HIGIT 40 KATAO, PATAY SA NANGYARING PROTESTA SA BANGLADESH

Pumalo na sa 43 ang naiulat na nasawi sa nangyaring kilos protesta sa Bangladesh.

Maliban sa nabanggit na bilang, daan-daan na rin ang nasugatan at ang iba pa sa mga ito ay nagtamo ng malalang injury.

Gumamit ng mga tear gas at rubber bullets ang mga kapulisan para buwagin ang ilang libong mga nagsagawa ng kilos protesta.


Ang pangunahing layunin ng mga protestante ay ang pababain sa puwesto si Prime Minister Sheikh Hasina.

Mula kasi noong nagwagi ng kaniyang ikaapat na sunod na termino ay sumiklab ang kilos protesta kung saan ang halalan ay binoycott ng pangunahin opposition na Bangladesh Nationalist Party.

Facebook Comments