Naging matagumpay ang isinagawang Karaling sa Kalinaw o ang Bike for Peace activity na pinangunahan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) noong araw ng sabado.
Ang 45 kilometer bike ride mula Midsayap North Cotabato tungong Cotabato City ay nilahukan ng halos 400 na daang bikers mula sa ibat ibang sektor.
Kabilang sa pumadyak para sa kapayapaan ay ang mismong si OPAPP ASEC Dickson Hermoso , na umaasa sa pamamagitan ng aktibidad ay magtuloy tuloy pa ang suportang ipinapakita ng mga taga Mindanao para sa katiwasayan ng bayan at tuluyang maghilom na ang mga dating sugat na naging resulta ng unang mga kaguluhan.
Ang programa noong sabado ay kasabay ng pagtatapos ng obserbasyon ng National Peace Consciousness Month na may temang “Puso Para sa Kapayapaan, Magkaisa Para sa Bayan.
PIC: CHB