Higit 400 COVID patients, nakarekober matapos makatanggap ng convalescent blood plasma

Umaabot na sa 429 COVID-19 patients ang nakarekober matapos na makatanggap ng convalescent blood plasma.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo, ang nasabing bilang ay mula sa 525 na COVID patients.

Pero sa kabila nito, kailangan pa rin ng masusing pag-aaral para malaman kung maaaring panggamot ang blood plasma sa COVID-19.


Iginiit pa ni Domingo na dedepende ang sitwasyon ng kada pasyente sa health protocols na ipinapatupad.

Aniya, ang plasma ay madilaw at likidong sangkap ng dugo na naglalaman ng antibodies na pinaniniwalaang mahalaga sa pagpapalakas ng immune response laban sa bacteria at virus.

Facebook Comments