Manila, Philippines – Umabot na sa higit 400 gasolinahan sa buong bansa ang nagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa mataas na buwis sa langis.
Sa tala ng Department of Energy (DOE), nasa 444 gas stations mula sa 6,800 sa buong bansa ang nagpatupad ng ikalawang bahagi ng dagdag excise tax sa langis.
Ayon kay Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella – nagpadala na sila ng show cause order sa ilang gasolinahan para magpaliwanag kung bakit maagang nagtaas ng presyo dahil sa buwis.
Aniya, maaaring ipasara at kasuhan ang mga gasolinahang magtataas ng presyo dahil sa buwis kahit lumang stock pa ang ikinakarga sa mga motorista.
Hinikayat ng DOE ang publiko na i-report ang mga gasolinahang nagtaas dahil sa buwis sa langis.
Facebook Comments