HIGIT 400 KATAO SA ISABELA, NAGPOSITIBO SA COVID-19

Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa COVID-19 ang 441 katao mula sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 as of September 10, 2021, may 441 indibidwal ang panibagong tinamaan ng COVID-19 sa probinsya dahilan ng pagsipa ng bilang ng aktibong kaso sa 3,357.

Mayroon naman naitala ang Lalawigan ng 182 na bagong gumaling sa nasabing sakit at labing anim (16) ang naidagdag sa mga namatay.


Umaabot naman sa 31,556 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 at 1,087 total related deaths ang naitala ng Isabela.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 36,000 na kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Isabela.

Facebook Comments