Pasayeño na gumaling sa COVID-19, umabot na sa mahigit 17,000

Nakapagtala na ang Pasay City government ng 17,329 na mga Pasayeño na gumaling sa COVID-19.

Ito ay matapos na makapagtala ngayong araw ng 119 na bagong gumaling.

Umabot naman sa 18,930 ang total confirmed cases sa COVID-19, 1,128 dito ay active cases.


Sa pagtaas naman ng bilang ng mga COVID-19 active cases sa lungsod, patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang Pasay City government para agarang mapigilan ang pagdami nito sa pamamagitan ng mas aktibong contact tracing, pagsasagawa ng mas maraming RT-PCR testing, isolation and treatment, at pagdedeklara ng mas maigting na community quarantine sa mga apektadong barangay.

Hinihingi rin ng Pasay Local Government Unit (LGU) ang kooperasyon at pakikiisa ng kanilang mga residente para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments