Sumailalim ang apat na daan at dalawampu’t dalawa na Barangay Officials ng Bayambang sa isang surpresang drug test na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Bahagi ito ng programa ng Barangay Drug Clearing Program ng Pangasinan Provincial Office ng PDEA at Bayambang Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC).
Isinabak ang lahat ng barangay officials sa drug test mula pitumpu’t- pito na barangay.
Ang aktibidad ay parte rin ng taunang validation ng pagiging drug-free o drug-cleared ng lahat ng barangay, at isang basehan ng pagdedeklara ng pagiging drug-cleared municipality ng isang bayan.
Kabilang ang mga SK Chairperson, Chief Tanod, Barangay Secretary, at BHW President. |ifmnews
Facebook Comments