TRICYCLE DRIVER, ARESTADO SA BUY BUST OPERATION SA BAYAN NG BAYAMBANG

Arestado ang isang singkwenta’y siete anyos na tricycle driver matapos itong mahulian ng shabu sa kinasang buy bust operation sa bayan ng Bayambang.
Ang suspek ay nakilalang si Karl Bosch, residente ng Brgy. Wawa sa nasabing bayan.
Ikinasa ang buy bust operation pasado alas-siyete ng umaga sa Barangay Tanolong sa nasabing bayan kung saan ay nagresulta ito sa pagkumpiska ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu sa suspek.

Sa ngayon, ay ikinakasa na ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments