Umaabot sa higit 400 na pamilya ang nananatili pa rin sa pitong evacuation center sa lungsod ng Maynila.
Ito’y dahil sa epektong dulot ng Bagyong Paeng kung saan ang ilan sa kanila ay lubog sa baha ang mga bahay.
Sa datos ng lokal na pamahalaan, nasa 457 na pamilya o katumbas ng 1,744 na indibidwal ang nasa mga evacuation center.
Pinakamaraming pamilya ang pansamantalang nasa Baseco Evacuation Center na aabot sa 180 o nasa 663 na mga bata, senior citizen at mga nakakatanda.
Bunsod nito, sinuspindi na ni acting Mayor, Vice Mayor Yul Servo ang lahat ng mga sunday classes sa lahat ng level mula sa public at private schools kabilang ang face-to-face at online classes.
Nananatili pa rin sarado para sa publiko ang Manila North at Manila South Cemetery bilang pag-iingat na rin sa bagyong paeng bagamat unti-unti na itong lumalabas ng bansa.