Nasawi sa Halloween Celebration sa South Korea, umabot sa mahigit 100

Umabot na sa 146 ang mga nasawi habang 150 naman ang injured sa stampede sa isang Halloween Celebration sa Itaewon District, Seoul, South Korea.

Ito ay matapos dumagsa ang maraming tao dahil sa nasabing selebrasyon nitong sabado ng gabi.

Sa isang punong balitaan sinabi ni Choi Seong-beom pinuno ng Yongsan Fire Station, karamihan sa mga nasawi ay malapit sa isang night club na pawang mga babae na nasa edad 20 taong gulang pataas.


Marami sa mga sugatan ay nasa seryosong kondisyon at patuloy na ginagamot iba’t-ibang mga ospital.

Samantala, nagpatawag na ng emergency meeting si Korean President Yoon Suk-Yeol kaugnay sa naganap na insidente.

Facebook Comments