HIGIT 400 NA TODA MEMBERS, DRIVERS AT VENDORS NG MALASIQUI NA LUBHANG NAAPEKTUHAN NG PANDEMYA, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

Isinagawa naman ang pagbibigay ng ayuda sa aabot sa 375 additional TODA members na hindi napasama sa inisyal na listahan ng mga benepisyaryo noong buwan ng Hulyo sa bayan ng Malasiqui.
Kabilang din sa pinamahagian ang 212 unpaid beneficiaries na binubuo ng 65 vendors, 3 PUJ drivers, at 144 TODA members na hindi nakapunta para i-claim ang kanilang tulong pinansyal noong Hulyo.
Ibinahagi ang financial assistance sa pangunguna ng DSWD Region 1 at sa pakikiisa ng lokal na pamahalaan at lokal na DSWD.
Nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan ng Malasiqui sa gobyerno para mabigyang katuparan ang inaasam-asam na ayuda ng mga tricycle drivers at iba pang mga benepisyaryo na lubos naapektuhan ang kabuhayan dahil sa pandemya.
Samantala, nakatanggap rin ng karagdagang Handog Tulong mula sa lokal na pamahalaan ang nasabing 375 additional TODA beneficiaries.* ### *

Facebook Comments