HIGIT 400 PDL SA REHIYON, SUMAILALIM SA DRUG TESTING

CAUAYAN CITY – Sumailalim sa drug test ang 437 Person Deprived of Liberty (PDL) sa buong rehiyon dos.

Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Regional Office 2 sa pamamagitan ng Regional Operations Division.

Kabilang sa mga sumailalim sa voluntary drug testing ay ang 418 na lalaki at 19 na babae mula sa labing pitong (17) kulungan sa Lambak ng Cagayan.


Ang resulta ng pagsusuri ay nagbunga ng negatibong resulta, kung saan walang PDL ang nagpositibo sa ilegal na droga.

Itinatampok ng matagumpay na operasyong ito ang pangako ng BJMP sa pagpapanatili ng ligtas at walang droga na kapaligiran sa loob ng sistema ng kulungan, alinsunod sa mahigpit na mga patakaran at pagsisikap ng ahensya na itaguyod ang seguridad at kaligtasan sa loob ng mga pasilidad.

Facebook Comments