Umaabot sa 441 persons deprived of liberty (PDLs) sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City ang nabakunahan kontra influenza virus.
Sa pahayag ng Bureau of Corrections (BuCor), layunin ng aktibidad na mapalakas ang resistensya ng mga PDL laban sa impeksyon.
Nais din nila na magkaroon ng panlaban ang mga PDL sa nakahahawang respiratory illnesses na maaring magresulta sa mas malubhang sakit o komplikasyon.
Ayon sa BuCor, 18 personnel ng correctional ang nabigyan din ng influenza vaccines na pinangasiwaan ng Mandaluyong City’s Health Office at Barangay Health Center.
Sinabi naman ni CIW Acting Superintendent Chief Supt. Insp. Elsa Martorillas, ang kalusugan ng mga PDL ang kanilang pangunahing prayoridad lalo na sa mahihinang bilanggo.
Sa katunayan, nasa halos 95% na ng 50,000 PDLs sa prison facilities ng Bucor ang nabakunahan na rin laban sa COVID-19.
Bukod pa ito sa 35,700 na PDLs na nakatangap na ng kanilang COVID-19 booster shots.