Higit sa 400 suspects ang namatay habang nasa kustodiya ng pulisya.
Ito ang naitala ng PNP Internal Affairs Service mula July 2016 hanggang September ngayong taon.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, nagsasagawa na sila ng malalimang imbestigasyon sa dahilan ng pagkamatay ng mga ito.
Lumalabas sa record ng PNP-IAS na nasa tatlong porsyento lamang mula sa mga kaso kung saan nakikipag-agawan ng baril ang mga nahuling suspek sa mga pulis.
Facebook Comments