‎HIGIT 4,000 KASO NG DENGUE SA CAGAYAN, NAITALA

Cauayan City – Pumalo na sa higit 4,000 ang bilang ng naitalang kaso ng sakit na dengue sa lalawigan ng Cagayan ngayong taon mula buwan ng Enero hanggang ngayong Nobyembre base sa patuloy na isinasagawang Dengue Surveillance Database ng Provincial Health Office.

Sa pinakahuling ulat, nasa 4,324 na ang bilang ng kaso ng nabanggit na sakit kung saan pinakamataas na bilang ng kaso ay mula sa bayan ng Baggao na may 609 cases.

Sinundan naman ito ng bayan ng Solana na may 465, Tuguegarao City na may 331, at Aparri na may 317 dengue cases.

Isa sa tinitingnang dahilan ng pagdami ng dengue carrying mosquitoes sa lalawigan ay ang nararanasang pag-ulan, ang hamon sa kakulangan sa regular na paglilinis, at ang presensya ng mga stagnant water o mga naipong tubig sa isang lugar.

Samantala, pinapalakas naman ng PHO ang kanilang kampanya kontra dengue sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga Municipal Health Officers at Focal persons ng mga Rural Health Units sa lalawigan para sa health interventions laban sa nabanggit na sakin.

Maliban dito, isinusulong at hinihikayat rin ang publiko na sundin ang 5S: Strategy o ang search and destroy, Self Protection, Seek early consultation, Support Fogging and Spraying, at Sustain Hydration, na siyang isa sa pinaka epektibong paraan upang labanan ang sakit na Dengue.

Facebook Comments