Kabuuang 47,785 persons deprived of liberty (PDLs) na mga rehistradong botante ang nakatakdang bumoto sa May 9, 2022 elections.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jail Superintendent Xavier Solda, maaari lamang silang bumoto para sa posisyon ng pagka-pangulo, pangalawang pangulo, mga senador, at party-list kahalintulad ng absentee voting.
Paliwanag ni Solda, kung mayroong 50 at pababa na PDL sa isang pasilidad, kinakailangan silang ilipat sa isang polling precinct para makaboto.
Pero kung 51 at pataas naman, gagamitin bilang polling precinct ang mismong pasilidad at personal na magtutungo ang mga tauhan ng Commission on Elections (Comelec) para isagawa ang botohan.
Sinabi ni Solda na bawat polling precinct sa labas ng facility ay may mga special lanes para sa mga PDLs at nakipag-ugnayam na sila sa PNP at AFP.
Aniya, dapat may court order na pinapayagan lumabas ang PDLs para bumoto.
Para matulungan ang mga PDL na maipaalam ang plataporma ng mga kandidato, binibigyan nila ng access ang mga preso sa radyo at telebisyon upang makapanood ng mga panayam at debate.
Ang mga PDL naman na may COVID-19 symptoms sa araw ng eleksyon ay kinakailangan munang sumalang sa pagsusiri at dumaan sa antigen test bago makaboto.