ONE STOP SHOP NG MGA SERBISYO NG GOBYERNO, INIALOK SA SANTIAGO CITY

23
Cauayan City, Isabela- Kasabay ng pagdiriwang ng araw ng manggagawa o Labor Day, nagsagawa ang iba’t-ibang ahensya ng isang one-stop shop ng mga serbisyo ng gobyerno sa Santiago City.

Kaugnay nito, nagsagawa ng Labor Education Seminar at Employment Coaching ang DOLE sa kilalang malaking Mall sa Lungsod bilang bahagi ng 120th Labor Day Job Fair ng DOLE RO2.

Isang entrepreneurship training naman katuwang ang Department of Trade and Industry (DTI) Region 02 isinagawa sa 2nd floor ng mall.

Ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Region 02 ay nagsasagawa rin ng skills training sa paggugupit at enrollment para sa training at assessment certification kasama ang iba pang mga rehistradong kalahok o ahensya sa parehong lugar.

Samantala, nagsagawa rin ng job fair ang DOLE RO2 sa nasabing lungsod na nilahukan at dinaluhan ng iba’t-ibang kumpanya at ahensya.

Facebook Comments