Umabot na sa higit 400,000 na mga kabataang edad 12 hanggang 17 ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19.
Sa isang panayam, sinabi ni Food and Drugs Administration (FDA) Director General Eric Domingo na wala silang naitalang malalang adverse effect ng bakuna.
Sa 300,000 na mga kabataang naturukan gamit ang bakuna ng Pfizer, siyam lamang ang nagkaroon ng allergy, nag-hyperventilate o overbreathing at sumakit ang katawan pero agad gumaling sa loob lang ng isang araw.
Habang sa Moderna, isa lamang ang napaulat na nakaranas ng side effect.
Samantala, hindi pa masabi ni Domingo kung kailan posibleng masimulan ang pagbabakuna sa mga batang 5 to 11 years old.
Aniya, hinihintay pa nila ang ginagawang pag-aaral ng ibang bansa hinggil dito.
Facebook Comments