Higit 43% ng kabuuang populasyon ng bansa fully vaccinated na

Umakyat na sa 76.5M doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines ang naiturok ng pamahalaan sa buong bansa.

Sa bilang na ito, 19.5 million ay naiturok sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexi Nograles, 43.88% ng target population sa buong bansa ay fully vaccinated na laban sa virus.


Katumbas ito ng 33.8 million na mga Pilipino.

55.27% o 42.6 million ang nakatanggap ng 1st dose sa buong bansa.

Nasa 921, 924 naman ang naitalang daily jabs kahapon, Nobyembre 22.

Sa Metro Manila naman, 94.04% ng target population sa rehiyon ay fully vaccinated na o katumbas yan ng higit 9 million na mga Pilipino.

Habang higit 100% naman ng target population sa rehiyon ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna o katumbas ng 10.3 million indibidwal.

Samantala, sa NCR nasa 16,993 ang nabigyan ng 3rd dose o booster shot habang sa buong bansa ay umaabot na sa 42,599 ang mga naturukan ng booster shot.

Facebook Comments