PDEA, natanggap na ang drug test result ni BBM

Natanggap na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang negative drug test result ni presidential aspirant Bongbong Marcos (BBM).

Ito ang kinumpirma ni PDEA Spokesperson Derrick Carreon.

Ayon kay Carreon, si Atty. Vic Rodriguez na abogado ni BBM ang nagsumite sa PDEA ng negative drug test result.


Mismong si dating Sen. Bongbong Marcos ang nag-anunsyo na kahapon ng alas-11 ng umaga nang sumalang siya sa drug test sa St. Luke’s Medical Center.

Kasunod naman ito ng pahayag ni Pangulong Duterte na isang ‘di niya pinangalanang presidential candidate ang gumagamit ng cocaine.

Facebook Comments