Pansamantalang itinigil ng higit 400 pribadong eskwelahan ang kanilang operasyon sa nalalapit na pasukan dahil sa kawalan ng mga nag-e-enroll.
Sa datos ng Department of Education (DepEd), mula sa 14,435 private schools sa bansa, 440 ang hindi mag-o-operate para sa School Year (SY) 2020-2021.
Ayon kay Education Undersecretary Revsee Escobedo, mababa lamang ang enrollment turnout ng mga eskwelahan.
Ang Central Luzon ang may pinakamaraming private schools ang magsususpinde ng operasyon na nasa 88, kasunod ang CALABARZON na may 67 at National Capital Region (NCR).
Dagdag pa ni Escobedo, nasa 1,394 private schools ang nagsimula ng klase mula nitong August 24, 2020 at nasa higit 6,000 paaralan pa ang inaasahang magbubukas sa pagitan ng August 24 hanggang October 5, 2020.
Tinatayang nasa 1.7 million na estudyante lamang ang nag-enroll sa mga pribadong paaralan.