Bakunado na kontra COVID-19 ang mahigit 44k na mga guro at non-teaching personnel ng Kagawaran ng Edukasyon sa Ilocos Region base sa pinakahuling datos nito.
Sa isang pulong balitaan online, ayon kay DepEd Ilocos Region medical officer Dr. Romarie Castillo, sinabi nitong as of February 21, umabot na sa kabuuang 44, 027 na mga kawani ng ahensya kung saan 25, 596 na mga guro at 18, 413 naman sa hanay ng non-teaching personnel ang nabakunahan na laban sa sakit.
Sa kabuuang bilang ng kanilang hanay na 58,122 eligible population kung saan nasa 92 porsyento na ang bakunado.
Sa ngayon, nakapagparehistro na ang 2, 864 na personnel para sa kanilang immunization schedule samantalang nasa 1, 719 pa ang hindi pa nakapagparehistro dahil sa kanilang sa health conditions, paniniwala sa kanilang relihiyon at sa kanilang personal na dahilan.
Patuloy naman ang paghimok nila sa kanilang hanay na hindi pa bakunado kung saan tanging mga fully vaccinated lamang ang makakasali sa isinasagawang paghahanda sa limited face-to-face classes sa rehiyon.
Iginiit naman ni Castillo na mahigpit nilang susundin ang mga minimum health standards sa in-person classes. | ifmnews