Higit 450 tao, patay sa itinuturing na deadliest earthquake sa border ng Iran-Iraq

World – Umabot na sa higit 450 tao ang nasawi habang hindi bababa sa 7,000 ang sugatan sa tumamang magnitude 7.3 na lindol sa border ng Iran at Iraq.

Itinuturing na itong pinakamapaminsalang lindol sa taong ito.

Nagpapatuloy pa rin ang rescue operations habang nagdeklara na ang Iran ng tatlong araw na pagluluksa.


Plano bisitahin ni Iranian President Hassan Rouhani ang mga lugar na labis na nasira ng lindol para masiguro ang rescue at relief operations.

Sa datos ng US Geological Survey, ang epicenter ng lindol ay tumama sa bahagi ng Iranian border na may lalim na 23 kilometro.

Naramdaman ang pagyanig maging sa mga kalapit na bansa gaya ng Pakistan, Lebanon, Kuwait at Turkey.

Facebook Comments