Higit 4,500 pamilya, nananatili sa evacuation centers dahil sa Bagyong Bising – DSWD

Nabawasan ang bilang ng mga evacuee sa apat na rehiyon na naapektuhan ng Bagyong Bising.

Sa tala ng Disaster Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC) Report ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), aabot sa 4,511 families o 18,603 na indibiduwal ang nananatili sa evacuation centers sa Cagayan Valley, Eastern Visayas at Caraga.

Nasa 6,269 families o 24,470 persons ang nananatili sa mga kamag-anak o kaibigan.


Umabot naman sa 60,601 families o 235,572 individuals ang apektado ng bagyo sa 965 na barangay sa apat na rehiyon.

Facebook Comments