Dumating na kagabi ang mahigit 450,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno.
Lumapag ang eroplanong lulan ang 455,130 doses ng bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 at dadalhin sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Ayon sa National Task Force Against COVID-19, plano sana nilang magdala ng mga bakuna sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Odette pero problema pa rin ang kawalan ng kuryente at ang paglalagyan ng mga bakuna.
Samantala, iba pa ito sa mga bakuna ng Pfizer na gagamitin sa bakunahan ng mga batang edad 5 hanggang 11 na inaasahang darating ngayong araw.
Facebook Comments