Higit 465,000 pamilya, apektado ng pananalasa ng bagyong Odette – DSWD

Aabot na sa 465, 237 pamilya o katumbas ng 1, 851, 409 na indibidwal ang apektado ng Bagyong Odette.

Batay sa datos ng Disaster Response Operations Monitoring and Information center ng DSWD, nagmula ang mga ito sa 3,533 barangay sa buong bansa.

Sa nasabing bilang, 478,019 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center habang 193,043 ang mas piniling manuluyan sa kanilang mga kaanak at kaibigan.


Samantala, 54,785 kabahayan ang naitalang napinsala kung saan 34,681 dito ang bahagya lamang ang nasira habang 20,104 ang tuluyan nang nawasak.

Facebook Comments