Patuloy ang ginawang pamamahagi ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa buong bansa.
Sa ngayon ay aabot na sa 48,033 na mag-aaral ang nabigyan ng educational assistance ng DSWD.
Nasa P1,000 ang matatanggap na tulong ng mga batang nag-aaral sa elementarya; P2,000 sa High School; P3,000 sa Senior High School at P4,000 para sa mga college at vocational students.
Kabilang sa mga maaaring mag-apply sa educational assistance ay working student, mga nag-aaral sa vocational at technological school gayon din ang state colleges and university (SUC).
Maaari ding tumanggap ng tulong pinansyal ang mga mag-aaral na biktima ng displacement o relokasyon pamilyang repatriated o pinauwi mula sa ibang bansa at deportees.
Kabilang sa.mga requirements ang photocopy ng ID ng estudyante at magulang, enrollment assessment form, certificate of enrollment o registration na may tatak ng certificate of true copy.
Samantala, base sa datos as of 2:30 AM ngayong araw ay ₱141,049,500 na ang naipamahaging tulong pinansyal sa buong bansa, pinakamalaki sa Region 6 at 1 na may tig-₱20milyon habang na may higit sa 5,000 estudyante.
Sa Metro Manila ay nasa 1,594 na mag-aaral pa lamang ang nag-avail ng nasabing programa o katumbas ng ₱4,191,000.
Habang sa central office naman ng DSWD sa Quezon City ay may 2,149 na estudyante na ang nag-apply sa programa at naipamahagi ang ₱7,844,000.