Tatanggap ng fuel subsidy ang nasa 4, 009 na Public Utility Jeepney Drivers sa Ilocos Region mula sa gobyerno sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Makakatanggap ang bawat isa ng P6,500 na financial assistance.
Ayon kay LTFRB Chairperson Martin Delgra III, hindi makakatulong sa mga drivers ang patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo ngunit malaking tulong ang subsidiya na ito para sa mga PUJ Drivers nang masiguro ang pagseserbisyo sa mga mananakay.
Dagdag pa ni Delgra, Hindi na lang umano tungkol sa pagtaas ng krudo ang tinitignan nila kundi para na rin sa pag-angat ng kumpiyansa ng mga tsuper na tatakbo para maserbisyuhan ang mga pasahero.
Sa nasabing bilang 2, 333 dito ang mula sa Pangasinan, 861 sa Ilocos Norte, 759 sa La Union at 56 na operators sa Ilocos Sur.
Bibigyan ang mga ito ng kanilang cash cards upang makuha ang naturang subsidiya sa Land Bank of the Philippines na siyang partner ng Gobyerno.
Sa ngayon hinihintay pa kung kailan mag-uumpisa ang roll out sa nasabing fuel subsidy sa Ilocos Region. | ifmnews
Facebook Comments