Umaabot sa 45 barangay sa Region 2 ang naapektuhan ng Bagyong Neneng.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 1,472 pamilya o 5,357 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo mula sa nabanggit na rehiyon.
Base pa sa NDRRMC, 15 mga evacuation center ang pansamantalang tinutuluyan ng 106 na pamilya o 350 katao habang ang nasa 10 pamilya ang pinili na lamang makituloy pansamantala sa kanilang mga kamag-anak.
Samantala, 337 pamilya o katumbas ng 960 indibidwal ang isinailalim sa preemptive evacuation mula parin sa Region 2.
Sa ngayon, nasa higit 60 pang mga lugar ang lubog sa baha sa Region 2 kung saan siyam na kalsada at anim na tulay ang hindi pa rin madaanan ng mga motorista.
Facebook Comments