Higit 5 Kilo Pinatuyong Dahon ng Marijuana, Nasamsam sa isang Binata

Cauayan City, Isabela- Timbog ang isang 20-anyos matapos mahuli sa pagbebenta ng pinatuyong dahoon ng marijuana sa bandang 3:30 ng hapon kanina sa Brgy. Abut, Quezon, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Boyet Dugwawi, binata at residente ng Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, may transaksyon na ang suspek sa operatiba kaugnay sa ibebentang marijuana na idedeliver sana sa Lungsod ng Ilagan hanggang magbago ang isip nito na kitain nalang ang bibili ng droga sa Bayan ng Quezon dahil sa mahigpit na inilatag na checkpoint sa siyudad.


Nakumpiska kay Dugwawi ang tatlong (3) bricks ng dried marijuana, tatlong (3) marijuana na nakabalot sa packing tape na nakalagay sa bag ng suspek at tumitimbang ang mga ito sa humigit kumulang 5.3/4 kilograms.

Nakuha din sa pag-iingat nito ang P1,000 at P24,000 na boodle money na siyang ginamit sa inilatag na buy-bust operation at cellphone na ginagamit sa iligal na transaksyon.

Sasampahan si Dugwawi ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments