Pagsusumikapan ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang 5.5 milyon indibidwal sa loob ng tatlong linggo upang makamit ang target na 70 milyon na fully vaccinated.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson at health Usec. Myrna Cabotaje na base sa kanilang datos, aabot na sa 64.5-M ang nakakumpleto ng bakuna kung kaya’t kailangan na lamang na pumalo sa halos 2-M ang mabibigyan ng bakuna sa kada linggo.
Tiwala naman si Cabotaje na maaabot ng gobyerno ang 70-M fully vaccinated individuals bago matapos ang buwan ng Marso.
Aniya, tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa mga Local Government Units (LGUs) para ipagpatuloy ang pagbabakuna sa kanilang nasasakupan.
Sa ngayon, nagbabahay-bahay na ang DOH at nagpupunta sa bawat barangay lalo na sa mga malalayong lugar upang mailapit ang bakuna sa ating mga kababayan.