Florida – Aabot sa 5.6 million na residente o katumbas ng 25 percent ng US state’s population ang pinalikas sa pagtama ng hurricane Irma sa Florida.
Bagamat ibinaba ang status ng bagyo sa category 3, inaasahan pa ring magdadala ito ng malalakas na hangin, malaking amount ng tubig at posibleng nakamamatay na storm surge.
Sa kasalukuyan, taglay ni Irma ang maximum sustained winds na aabot sa 125 miles per hour.
Ayon kay Florida Governor Rick Scott, ito ang kauna-unahang beses na nakakita at makararanas sila ng ganito kalakas na bagyo.
Unang nag-landfall ang hurricane sa Camaguey archipelago, north-east ng Cuba na nasa category five storm pero humina ito.
Samantala umabot na sa 22 tao ang namatay sa Caribbean matapos ang pananalasa ng hurricane Irma.