Higit 50 tauhan ng Bamban Police, sinibak sa pwesto

 

Inalis sa pwesto ang lahat ng mga tauhan ng Bamban Municipal Police Station sa Tarlac.

Ito’y matapos ipatupad ang suspensyon ng Office of the Ombudsman kay Mayor Alice Guo.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, aabot sa mahigit 50 mga pulis ang sinibak sa pwesto.


Dumating na rin sa Bamban ang mga pulis na pumalit sa kanilang pwesto.

Galing ang mga ito sa ibang bayan ng Tarlac na malayo sa impluwensya ni Mayor Guo.

Samantala, hindi naman kasama sanasibak sa pwesto ang hepe ng Bamban Police dahil bago lang ito sa pwesto at kakaupo lang matapos ang nangyaring raid sa POGO.

Facebook Comments