Batas para sa e-cigarette at vape products, pinarerepaso at pinaaamyendahan ng isang senador

Pinarerepaso at pinaaamyendahan ni Senator Joel Villanueva ang Republic Act 11900 o ang Vaporized Nicotine and Non-nicotine Product Regulation.

Ang pagtutulak ng senador na amyendahan ang batas ay bunsod na rin ng insidente ng pagkasawi ng isang 22 anyos na lalaki na nagkaroon ng lung injury dahil sa paggamit ng vape.

Nais ni Villanueva na mailipat sa Food and Drugs Administration (FDA) ang pag-regulate sa e-cigarette o vape products.


Mas angkop aniya na FDA ang magre-regulate ng mga e-cigarette at vape products dahil sa malaking usapin ng kalusugan at hindi bihasa rito ang Department of Trade and Industry (DTI).

Giit ni Villanueva, kailangang repasuhin ang batas kahit pa bago lang ito dahil napatunayan na hindi umuubra na DTI ang magre-regulate ng naturang produkto.

Nababahala ang mambabatas sa ulat pa na maraming kabataang may edad 13 hanggang 15 anyos ang gumagamit na ng vape.

Facebook Comments