Higit 500 Barangay Tanod sa Alicia, Isabela, Tumanggap ng Financial Assistance

Cauayan City,Isabela- Umaabot sa mahigit 1,000 benepisyaryo ng TUPAD program ang nakatanggap kahapon ng pinansyal tulong kasama ang nasa 521 na Barangay Tanods sa Alicia, Isabela.

Bukod pa dito, nagkaroon rin ng orientation ng COVID-19 health risk at vaccination roll-out na pinangunahan ng mga Isabela Provincial Health Office (IPHO) nurses kung saan hinihikayat ang bawat isa na magpabakuna kontra virus.

Nagpasalamat naman si Mayor Joel Alejandro ng Alicia, Isabela sa ibinigay na tulong ng DOLE at Provincial Government para sa kanyang mga kababayan.


Samantala, inanunsyo naman ni LPGMA Patylist Congressman Allan Ty ang mga bagong programa ng Department of Agriculture matapos pondohan ng DBP ang Swine Reproduction Program sa Isabela upang tugunan ang problema sa ASF na higit na nakaapekto sa swine industry

Tiniyak naman ng mga opisyal na madaragdagan pa ang mga programa at benepisyo sa mga Isabeleño.

Facebook Comments