HIGIT 500-M, INIWANG PINSALA NG BAGYONG MAYMAY

Umabot sa mahigit P5 milyon ang halaga ng iniwang pinsala ng Bagyong “Maymay” sa lalawigan ng Cagayan ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Sa ibinahaging impormasyon ng PDRRMO sa pamamagitan ng Cagayan Public Information Office (CPIO), pumalo sa P516,200,000 ang pinsala na iniwan ng bagyo sa mga Imprastraktura sa Cagayan.

Kabilang sa mga nasirang imprastraktura ay ang na wash-out ng NIA Main Canal Extension sa Barangay Daan-Ili, sa bayan ng Allacapan.

Nasira rin ang river bank; nawash-out ang gravel road; at bahagyang nasira ang Multi-purpose Building gymnasium, Day Care Center, waiting shed, school buildings at Barangay Health Station sa Lal-lo.

Isang bangka ang totally damaged sa sa Sta. Ana habang nasira naman ang Alannay-Viga Bridge sa Lasam.

Umabot naman sa P16,322,185 ang pinsalang iniwan ng bagyo sa sektor ang agrikultura.

Samantala, umabot sa P16,004,182 ang halaga ng nasirang palay mula sa iba’t ibang bayan habang umabot naman sa P318,000 ang pinsala sa pananim na mais.

May kabuuang P438,673 naman ang halaga ng damages sa fishery dahil sa pag-apaw ng mga fishpond.

Ayon pa sa monitoring ng PDRRMO, nabaha ang 150 barangay sa 14 na bayan sa lalawigan kung saan mayroong 8,730 na pamilya at 33,432 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong “Maymay.”

Hindi pa man lubos na bumababa ang tubig-baha dahil sa nagdaang bagyong Maymay sa probinsya ay muli itong nakaranas ng tuloy-tuloy na pag-ulan na nagdulot na naman ng malawakang pagbaha sa lugar bunsod ng kakaalis naman na bagyong Neneng.

Samantala, kasalukuyan naman ang ginagawang assessment ng PDRRMC sa iniwang pinsala ng bagyong Neneng sa Cagayan.

Facebook Comments