Aabot sa mahigit 500 mag-aaral mula sa dalawang paaralan sa Quezon City (QC) ang nakatanggap ng tulong pang eskwela mula sa QC local government unit (LGU).
Ayon sa QC-LGU, nasa 245 mag-aaral ang nakatanggap ng mga libreng school supplies sa Bago Bantay Elementary School.
Habang, nasa 300 kinder students mula sa Bagong Pag-asa Elementary School ang nabigyan ng libreng bags at school supplies.
Ang nasabing tulong para sa mga kabataang mag-aaral sa lungsod ay nagmula sa City Council.
Ipinatupad ang hakbang na ito sa ilalim ng Kaalalay sa Edukasyon program ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Layon ng hakbang ang mas magabayan sa edukasyon ang mga batang QCitizen.
Facebook Comments