Higit 500 na Katao, Ginawaran ng Scholarship mula sa SM Foundation!

*Cauayan City, Isabela-* Ginawaran kahapon ng scholarship ang nasa mahigit 500 na mag-aaral na papasok sa kolehiyo ngayong taon sa pamamagitan ng SM Foundation, Inc. College Scholarship Program .

Sa 500 bagong iskolar, 35% ay mula sa National Capital Region (NCR) at 65% ay mula sa iba pang mga lalawigan, at nasa 1,200 sa kabuuan ang bilang ng mga iskolar sa kolehiyo para sa taong 2019 hanggang 2020.

Kabilang sa 500 na papasok na mag-aaral sa kolehiyo na mabibigyan ng scholarship ay ang anim na mula sa Lalawigan ng Isabela na sina Carmelie Calabbun, Alpha Joy Navarro, Mae Ann Yanos, Blasper Danao, Gabrielle Rivera at Era Mae Millar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa SM City Cauayan, napili ang mga iskolar base sa pamantayan ng nasabing organisasyon kaugnay sa resulta ng kanilang aptitude-test at interview na isinagawa noong April sa taong kasalukuyan.

Ang mga napiling iskolar ay makakakuha ng libreng tuition fee, miscellaneous at mayroong buwanang sahod.
Makikilahok din ang mga ito sa mga programa at mga aktibidad ng SM Foundation at pwede rin silang magtrabaho sa SM tuwing summer upang magkaroon ng dagdag na kita.

Kaugnay nito, patuloy pa rin na nagbibigay ng scholarship ang SM Foundationupang makatulong sa mga kabataan na gustong makapagtapos sa pag-aaral.

Facebook Comments