Maine nagdiwang ng post birthday kasama ang fans at si Arjo

Screenshot via Nice Print Channel

Kahit tapos na ang kaarawan ni Maine Mendoza, tuloy pa rin ang selebrasyon kasama ang kanyang die-hard fans at rumored boyfriend na si Arjo Atayde.

Naghanda ang mga tagahanga ng isang post birthday party na may temang Havana Nights noong Sabado, Mayo 4. Nakatanggap ng dilaw na rosas at taos-pusong mensahe si Maine mula sa kanyang mga malalapit sa buhay.

Mapapanood sa same day edit video ng Nice Print Photography na naging emosyonal si Maine habang pinapasalamatan ang mga taong tumatangkilik at naniniwala sa kanya.


“Thank you so walang sawang suporta na alam naman natin na from the beginning kayo yung mga taong nandiyan at hanggang ngayon nandito parin at patuloy na nagsusuporta at nagmamahal kung ano man yung desisyon ko sa career at sa personal na buhay,” ani Maine.

Mapapansin din na hindi lumayo si Arjo sa kanyang tabi ng buong gabi. Kamakailan, naging laman ng balita ang pag-amin ng aktor na “exclusively dating” na sila ni Yaya Dub. Kumalat din sa social media ang mga larawan na palagi silang magkasama tuwing nagbabakasyon.

Ipinagdiwang ni Maine ang kanyang ika-24 na kaarawan noong Marso 3.

Facebook Comments