Higit 500 pamilya, inilikas dahil sa bagyong Rolly sa lungsod ng Maynila

Umabot na sa higit 500 pamilya ang inilikas sa lungsod ng Maynila dahil sa bagyong Rolly.

Sa huling tala ng Manila Public Information Office, 551 pamilya ang nananatili sa limang evacuation center.

Mula sa nasabing bilang, 148 na pamilya ang nananatili sa Baseco Evacuation Center at Rosauro Almario Elementary School na may 120 pamilya.


Nasa 87 na pamilya naman ang pansamantalang nananatili sa Barangay 101 Covered Court habang 156 na pamilya sa Barangay 128 Complex.

Aabot naman sa 40 pamilya sa Barangay 105 Covered Court.

Siniguro ng Manila Health Department na nasusunod ang physical distancing sa mga evacuation center.

Isinasailalim sa swab test ang mga symptomatic o nakitaan ng sintomas ng COVID-19.

Pansamantala silang inililipat sa Delpan Quarantine Facility habang naghihintay ng resulta.

Facebook Comments