Higit 500 sasakyan, naimpound dahil sa iba’t ibang paglabag

Umaabot sa kabuuang 503 mga sasakyan ang na-impound sa loob lamang ng 1 linggong operasyon ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG).

Ayon kay HPG Director Police BGen. Clifford Gairanod, mula lamang ito December 2 hanggang December 8, 2022.

Sa naturang bilang, 422 ang motorsiklo at 81 naman ang mga kotse.


Aniya nasa 18,404 na mga motorista na ang nabigyan nila ng ticket dahil sa samu’t saring mga paglabag sa batas trapiko.

Kasama rito ang illegal horn at siren, pagkakaroon ng blinker, modified muffler at mga sasakyan na mayroong logo ng PNP.

Samantala, maliban dito sinabi rin ni Gairanoid na 17 mga indibidwal naman ang kanilang naaresto na sangkot sa carnapping.

Facebook Comments