Nasino at 2 iba pa, pinayagan nang makapagpiyansa ng korte

Pinayagan ng makapagpiyansa ng Manila RTC Branch 47 ang aktibistang si Reina Mae Nasino, na namatayan ng anak habang nasa kulungan, dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Bukod dito, pinayagan ring makakapagpiyansa ang dalawa pang kasamahan ni Nacino na sina Ram Carlo Bautista at Alma Moran.

Nasa 420,000 pesos ang itinakdang halaga ng bail para kay Nasino at Moran habang 570,000 pesos naman ang bail ni Bautista.


Naaresto ang mga ito noong 2019 dahil sa kasong illegal possession of firearms and explosives at nakulong sa Manila City Jail.

Facebook Comments