Higit 5,000 health workers, tinamaan ng COVID-19

Umabot na sa 5,096 na health workers sa bansa ang na-infect ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Batay sa Department of Health (DOH), mula nitong August 2, 2020, nasa 4,652 o 91.3% na health workers ang nakarekober sa sakit, 39 o 0.8% ang nagpapagaling pa at 39 ang binawian ng buhay.

Sa 405 na aktibong kaso, 66.2% ang mild, 33.1% ang asymptomatic, tatlo ang may severe symptoms at isa ang kritikal ang kondisyon.


Ang infected health workers ay kinabibilangan ng 1,734 Nurses, 1,100 Doctors, 338 Nursing Assistants, 210 Medical Technologists, 119 Radiologic Technologists, 92 Midwives, 43 Respiratory Therapists at 41 Pharmacists.

Mayroon ding mga non-medical staff na tinamaan ng virus, kabilang ang 407 Administrative Staff, 161 Utility Personnel, 73 Dietary Staff, 64 Drivers, 50 Barangay Health Workers, 37 Security Guards at 15 Caregivers.

Facebook Comments