Nasa 5,825 na indibidwal ang naitala ng Department of Health (DOH) na nakarekober sa COVID-19.
Dahil dito, nasa 2,698,871 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa virus habang naitala naman ang 3,410 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Kaugnay niyan, pumalo na sa 45,233 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso kung saan nasa 128 ang nadagdag sa pumanaw kaya’t ang kabuuang bilang nito sa ngayon ay nasa 43,172 na.
Ang kabuuang bilang naman ng naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa ay nasa 2,787,276.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 29, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng apat na laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.6% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.