
Umaabot sa 5,025 na mga pasahero, drivers at cargo helpers ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na stranded dahil sa epekto ng bagyong Basyang.
Bukod sa mga pasahero, nasa 1,725 rolling cargoes, 129 vessels, at 16 motorbanca ang nananatili rin stranded sa iba’t ibang pantalan partikular sa Visayas at Mindanao.
Nasa 98 pantalan ang apektado ng bagyong Basyang kung saan pinakamaramimg naitalang stranded ay sa Central Visayas Region.
Aabot naman sa 295 na vessels at 66 motorbancas ang pansamantalang nakidaong sa ibang pantalan upang maging ligtas posibleng epekto ng masamang lagay ng panahon.
Facebook Comments










