Umakyat na sa 52, 000 ang bilang ng mga kabataang 5 hanggang 11 taong gulang sa 45 vaccination sites sa Metro Manila, ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operation Center Chairperson (NVOC) at Health Usec. Myrna Cabotaje, nananatiling maiinit ang pagtanggap ng publiko sa programang ito.
Inaayos lamang aniya nila ang usapin, lalo’t nananatiling limitado ang reformulated vaccines para sa age group na ito.
Samantala, umakyat na rin sa lima ang bilang ng naitalang non serious adverse event mula sa pediatric vaccination.
Tatlo rito ay nakaranas ng pamamantal, isa ang nagsuka, habang isa naman ang nakaranas ng pananakit sa vaccination site.
Facebook Comments