DOH, nakapagtala ng higit 3,000 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw

Nakapagtala ng 3,788 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mababa ito kumpara sa 4,575 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,630,637 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 91,147 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 5,652 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,484,636 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 54,854 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 72 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 9 habang may isang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

Facebook Comments