Higit 500,000 halaga ng Marijuana, Pinagsisira sa Kalinga

91

Cauayan City, Isabela- Aabot sa humigit kumulang P720,000 fully grown marijuana ang piangsisira ng mga otoridad sa bahagi ng Brgy. Lacnog, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay Provincial Director PCOL. Davy Vicente Limmong, nasa mahigit 3,600 fully grown marijuana ang kanilang binunot at sinunog mula sa dalawang plantation site na tinatayang nasa 300sqm.

Aniya, ang operasyon ay dahil na rin sa patuloy na pagbabantay ng pulisya at magandang koordinasyon sa mga residenteng nagbibigay alam sa mga otoridad .

Patuloy naman ang ginagawang monitoring ng hanay ng pulisya sa mga naunang plantation sites na kanilang pinagsisira para matiyak na wala ng magtatanim ng ipinagbabawal na marijuana.

Gayunman, nakaalerto din ang kanilang hanay upang tuklasin pa ang iba pang mga plantation sites sa Kalinga at maging ang mga cultivators na dapat mapanagot sa batas.

Facebook Comments