Higit 500,000 na indibidwal, nabakunahan ng Philippine Red Cross (PRC)

Pumalo na sa 532,604 ang nabakunahan ng Philippine Red Cross (PRC) laban sa Covid-19.

Sa nasabing bilang, higit 246,248 na ang nakakumpleto na ng bakuna mula sa 25 Bakuna Centers ng PRC, 17 Bakuna Buses, at deployment ng 20 vaccination teams sa mga Bakuna Center sa buong bansa.

Ayon kay PRC Chairman at CEO Sen. Richard Gordon, patuloy na makikipagtulungan ang PRC sa gobyerno pagdating sa pagbabakuna upang mapababa pa ang kaso ng Covid-19.


Aniya, mahalagang magpabakuna na ang mga pilipino para maprotektahan ang kanilang mahal sa buhay.

Matatandaang sinimulan na rin ng PRC ang vaccination rollout para sa mga kabataang 12 hanggang 17 anyos.

Sa ngayon, umabot na sa 1,894 na kabataan na ang nabakunahan ng Pfizer at Moderna vaccine.

Sa mga nais magpabakuna, bukas ang PRC Edsa Boni Bakuna Center sa walk-in vaccinations.

Facebook Comments