Cauayan City, Isabela- Mahigit 50,000 doses o 8,385 vials na Pfizer brand ang dumating sa Isabela Provincial Health Office (IPHO) kahapon, Oktubre 4, 2021.
Hinimok naman ni Governor Rodito T. Albano III ang mga hindi pa nagpapabakuna na Isabeleño na magpabakuna na upang maabot ng probinsya ang herd immunity sa kabila ng tumataas na aktibong kaso ng mga tinamaan ng virus.
Kaugnay nito,umakyat na sa 176,743 ang nakatanggap na ng second dose ng bakuna kontra COVID-19 habang 234,228 o 15% sa kabuuan ang nakatanggap pa lang ng first dose.
Nasa 61% ng A4 priority group ang nabakunahan na habang 0.7% pa lang ang nabakunahan sa A5 priority group o yung mga kabilang sa indigent sector.
Sa pinakahuling datos ng Provincial Information Office, nasa 5,176 ang active cases sa lalawigan.